022612 — Kumusta na ako? (yung totoo…)

Hilong-hilo at halos walang matandaan. Gumawa pa yata ako ng eksena sa Mars, oo.. emosyonal. dala na rin ng inuming dumaloy sa aking sistema. Iisa lang naman ang dahilan, sariwang-sariwa pa rin sa akin ang pighati sa aking buhay pag-ibig. Sampung araw, halos dalawang linggo… Akala ko okey na, di pa pala. Nag-usap na naman tayong muli. Naging malambing ka na naman sa akin. Anong sense nun kung alam kong wala ring patutunguhan ang sitwasyon nating ito… Gusto kita, gustong gusto kita. Napipilitan na lang akong di ka pansinin upang tulungan na rin ang sarili kong limutin ang nararamdaman ko sa’yo. Ngunit back to start na naman ang drama ko. Parang sa snakes and ladders lang, nakagat ng ahas kea bumagsak. Alam mu pa rin kung anong gusto ko. Alam mu pa rin na mabagal ako kumain at mas gusto ko ang sprite kesa coke… at paborito ko pa rin ang tsokolate.

Ilang tao na ang nag-counsel sa akin. Ako ang lumande. *smirk* Totoo. Pero lumande ka rin, dba? Ewan ko ba sa’yo. Patola ka rin,e… Ako tuloy ang nasasaktan. Hindi nga pde kasi me Beb ka na.. at kahit sabihin mong mahalaga ako sa’yo, MAS mahalaga siya kesa sa akin. Tila ba napaka-haba ng araw ngayon. Matapos magpaka-lango, nag-aliw naman sa Tom’s world. Mabuti’t di umulan. Kumain pa pala kami ng icecream para kahit paano’y maibsan ang pait na nararamdaman. Totoo, lumalabas ang tunay na nararamdaman kapag nakainom. Ngunit pano mu yun malalaman kung wala ka naman doon? Andaming luha na ang aking nailuha. Hindi pa ba sapat yun? Natapos ko na ang 1st level of Diversion. Nasa 2nd level na ko, ang Release.

Ilang level pa ba ang pagdadaanan ko bago matapos ang larong ito? Matatalo o mananalo ba ako? Halaga.. Ano ba talaga?

020612 — Desisyon (Even if it breaks our hearts)

Being with someone who’s broken hearted reminds me of how i was so broken before. Yun bang feeling na pinagsaraduhan ka na ng pag-ibig, yung feeling na wala ng pag-ibig. Naiiyak ako. Isa yun sa pinaka-ayaw kong pakiramdam… Meron bang may nais ng ganoon? Wala. Nasusuka ako. Ayoko rin ng ganito. Nagdadrama. Yun lang naman ang dahilan bakit nakakapagsulat ako. Pag fresh pa yung emotion. Pag wala na, wala na ring maisusulat.

Sabi nila (kunsinuman sila), ang tibay ko, na kinakaya ko daw (mj). Ha? Ako, matibay? … at bigla akong naluha, buti na lang walang sasakyan nung patawid, dahil blurred na ang paningin ko. Expect for the worst nga daw(gc). Ako lang din naman ang MAS masasaktan(av). And ang totoo lang naman daw ay we are Unofficial and are just BFFs(rm). Malalaki na daw tayo, alam na natin kung ano ginagawa natin (sc).

Kanya kanyang drama sa buhay. Walang sense ang buhay kung walang thrill. Ikaw ang thrill ko at ako ang thrill mu, sa ngayon. Hanggang kelan? Buti’t nagkaayos tayo dahil kung hindi, edi hindi tayo ayos. Badtrip ka? Mas badtrip ako. At mas babadtripin pa kita. Haha…

Final decision: Let it be.
Kung anong mangyari, bahala na. In the end, it doesn’t even matter. I’ll choose what makes me happy NOW. Kung magkahiwalay man, ayos lang kasi wala namang TAYO. Masaya ako para sa INYO. Babalik na lang ako sa AKO.

.Just Me.

013112 — Migraine (Nahihilo, Nalilito)

Laging nagkakatampuhan. Ganyan tayo lagi. Anong relasyon ba ang tampuhan-free, o away-free? Dba wala naman. Yung sa atin kasi, malabo. Hindi tayo. Kasi Kayo nga, dba? At nung nakaraan, tinanong kita kung sino mas mahal mo? Syempre (dahil hindi ka nga nagsisinungaling sa akin, sabi mo nga…) ang sagot mo ay mas mahal mo siya, which is true. Ako lang naman nagmamake believe na mas mahal mo ko? Paano mangyayari yun kung ilang linggo lang naman ng maging ‘tayo’, kahit wala naman talagang tayo. Ayun. Nakakatampo. Taz tinanong mu pa kung ayoko na. Dahil sinungaling ako sinagot ko gusto ko pa, kahit deep inside sbi ng utak ko tigilan ko na. Syempre pasaway ang puso, ayan bahala ng masaktan sooner or later. Sila nga, hinahantay ng magkahiwalay tayo. Ayoko. Gusto kita. Alam mu yn. Pero ayokong mahalin ka, yung ganito kasing ka-liit na nararamdaman ko para sau e di nagtatagal ay nagggrow. Parang halaman lang. Di mu ba napapansin? Lumalayo na ako sau… ng dahan dahan. Gusto ko, yung di mo napapansin. Pag napapansin mu kasi, magtatampo ka. Ayoko nun. Gusto ko yung parang effortless… Back to where we were before. Nagka-love bite pa ko. Bella at Edward nga daw. Pero Tanggap ko. Hanggang dito lang tayo.

Nangangarap na mapasa’yo. Hindi sinasadya na hanapin pa ang lugar ko, asan nga ba ako?

feb na. Buwan ng pag-ibig. MagbBirthday kpa. 17th Monthsary nyo pa yun… Sabi mu sasakay tayo sa Ferry’s Wheel…

*hingang malalim*