PNoy, Isang Pinoy (SONA)

Hulyo 26, 2010, ang araw na itinakda para sa unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino.

Isang makasaysayang araw para sa bawat Pilipinong nais ng pagbabago
(sino nga ba ang ayaw nito?).

Pagbabagong ang tungo ay sa pag-unlad ng Bayang Pilipinas,
at hindi lang ng iilang bilang ng mamamayan nakakataas.

Maraming presidente na ang umupo sa puwestong ang laging ipinapangako’y kaunlaran,
ngunit sino nga ba talaga ang may kakayanan?

Dating administrasyon ay huwag na sana pang magpatuloy.
Huwag ng sayangin pa ang panahong dumadaloy.

Sa ating sarili, tayo na ring magkusa.
At ng hindi puro sa pangulo isinisisi ang sala.

Kung kapakanan ng Bayan ang tunay na hangarin,
bawat pulitiko’y ito ang dapat unahin.

Mabuhay ka PNoy, gabayan ka nawa ng Maykapal.
Gawin ang bawat responsibilidad ng may pagmamahal.

Pilipinas ay ating mahalin at paunlarin,
sa tulong na rin ng Panginoong Diyos na Maylikha sa atin.

Sa lahat ng ating mga ginawa,
Ibalik lahat ng may pagpapasalamat sa Kanyang mga pagpapala.
Amen.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s