June

Hunyo na pala.

Nasa kalagitnaan na ng kalendaryo ang taong 2011. Mabilis talaga ang panahon, lalo na kung hindi papansinin. Dumadaan, nawawala. Ganyan talaga ang buhay.

Hunyo, sa ingles ay June, isa sa tatlong buwan – kabilang ang March at May – na may one syllable lang. May tatlumpung araw na ang ika-huling araw ng buwan na ito ay napaka-memorable. Araw na kailanman ay hindi ko makakalimutan. Kung maganda man o pangit iyon ay ibang kwento na kaya hindi ko na isasama sa entry kong ito.

Hunyo – ito yung buwan kung saan nagsisimula ng dumagsa ang mga bagyo sa Pilipinas. Sa ibang bansa naman, ito palang ang umpisa ng summer sa kanila. Hunyo rin nagbabalik ang mga mag-aaral sa pilipinas. Balik-eskwela na masarap balik-tanawan kung kailan tapos na ang panahong mag-aral. Kagaya ngayon, binabasa kong muli ang aklat na ABNKKBSANPLAko! Mga kwentong Chalk ni Bob Ong. Lahat naman siguro ng mga mag-aaral ay pinagdaanan ang nangyari sa kanya noong estudyante pa. Ako, naranasan ko ding late ng sunduin sa uwian, lumusong sa putikan kapag maulan, mag-evacuate ng room kapag kailangan, mapagalitan ng guro, maghabol ng proyekto at marami pang iba. Masarap balik-balikan ang mga ganoong panahon (maganda man o may pagka-pangit ang isang karanasan). At ngayon, na- realize kong tama si
Bob Ong, hindi ko tuloy ma-enjoy kapag walang pasok o suspended ang klase dahil may bagyo.

Nakaka-miss kaya yun! Hay.😦

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s