Utos ng Hari – Jun Cruz Reyes

See“ you in my cubicle after lunch.”
Pahabol sa akin ni Mrs. Moral
Character kanginang matapos ang
klase. Si Mrs. Character ang
teacher namin sa Social Science.
Siya rin ang adviser namin. Para naman akong si gago na isip
nang isip kung ano na naman ang
sasabihin nito sa akin. Nawalan tuloy
ako ng ganang mananghalian. Halos
tiyak ko nang sermunang
umaatikabo na naman ito. Kamakalawa lamang ay halos ilabas
niya ang kanyang calculator para
ipakita kung gaano ako “katanga” at
kung gaano katama ang kanyang
pagsuma sa aking mga 5. Hindi
naman maikatwirang “paano ko di masi-5 kung kalian ako absent ay
saka ka magbibigay ng quiz. Kung
kelan tinatamad mag-recite saka
mamimilit.” Saka pag sinabi ko naman
ang gusto kong sabihin kakapain
yung pulang ballpen. Pero tipong maganda naman ang
kanyang mood sa klase kanina.
Katunaya’y yung kanyang paboritong
paksa ang pinag-uusapan namin.
Yung‘ kanyang dazzling Malaysian at
ang kanyang paboritong pabango. Nagtsismis din siya (tulad ng dati).
Kesyo si Mr. Espejo raw, kaya
tumandang binata, dahil dalawang
beses niyang binasted noong dalaga
pa siya. Si Miss Kuwan daw kaya
wala sa eskwelahan hindi dahil nag- study leave: nagpaabort sa America.
Magbi-bell na nang maalala niya ang
leksyon naming, ang normalization
process sa gobyerno. Sabi nya kangina, “Para tayo maging
fully democratic kailangang mataas
ang literacy rate.” (Sinabi na ‘yon ni
Rizal.) “May sapat na communication
system ang pamahalaan at may
mataas na moralidad ang mamamayan. At higit sa lahat,
kailangang maging westernized ang
ating pamantayan. By so doing, hindi
tayo magiging unicivilized sa wetern
standards. Nang tanungin niya ako, sabi ko’y
mas basic ang dapat na
pamamaraan sa pagtingin sa
problema. Halimbawa’y bakit hindi
umpisahan sa economic condition ng
bansa. Kung kuntento ang mga tao, normal ang takbo ng pamahalaan.
Pero kung maraming dissatisfied,
natural na abnormal ang sistema.
Hindi basta effective communication
process, hindi rin basta mataas na
literacy rate. Mga manipestasyon lang ito ng talagang problema.
Nabigla siya. Doon na kami inabutan
ng bell. Ay, konsumisyon sa buhay, gusto
kong lagnatin. Kay layo ng kahapon
sa kasalukuyan. ‘Pag nasa bahay ako,
ako ang bida. ‘Pag ang kababayan ko
ang magkukwento, ako ang sikat.
Pero ditto sa iskwelahan, walang isko-scholar ng bayan. Talagang gusto kong maghinto, pero
ayaw ni Tatay. Kung sabagay sino
ba namang ama ang matutuwang
magkaanak ng drop out? Talagang
sawa na akong mag-aral. Kay ganda
sanang isiping hindi ako nakatali sa sintas ng sapatos ng teacher ko na
kasama ko sa bawat hakbang.
Ipaling kung saan sulok ko gustong
puntahan, ilakad-kaladkarin kahit
gusting mamahinga. At isiping kahit
ako ang masaktan. Ay, buhay estudyante. Makauno lang,
kahit lulunin ang sariling dila.
Kumontra sa kanila, singkong
maliwanag. Tumango-tango ka
naman para makauno, ibig sabihin
noo’y sarili mo na ang kailangang lokohin. Pakisama lang talaga.
Konting kompromiso, mundo ang
diploma. Kung wala akong diploma,
sino naman ang maniniwalang may
kaubrahan nga ako. Sana’y di nauso
ang grade, di sana’y hindi ako mahihiyang pumasok kahit Metro
Manila Aide. Kung graduate naman
ako, hingan ng experience sa pag-
aaplayan ko, dedo rin. At kung
tapos nga, nakakahiya naming pati
trabahong pang mahirap ay pagtiyagaan ko. Grade lang naman, problema ba ‘yon?
Kung 5, tapos ang usapan, bakit
kailangan pahabain pa? Bagsak kung
bagsak. Kick-out kung kick-out.
pero hindi naman talaga ako dapat
bumagsak. O.K., matigas ang ulo ko, rugged at medyo bastos pa raw,
pero bakit kailangang isali pati
conduct at ayos ng katawan sa
usapan? Hindi naman ito military
school, hindi rin naman seminaryo,
bakit panay “yung conduct mo” at appearance“” ang pangako nila? Ano ba ang sama nang bumagsak?
Kung si Recto, bar flunker pero isa
sa kinikilalang constitutionalist
ngayon. Si Einstein, bumagsak sa
Physics at grammar school pero big
time scientist. Kahit teacher niya hindi alam ang theory niya sa
relativity. Kung sabagay, hindi ako si
Recto at si Einstein. Si Jojo lang
ako, kung ang walang sinabi kong
teachers ang tatanungin. Sa mga
kapitbahay namin, pambihira daw ako, biro mong sa probinsiya namin
ay ako lang ang nakarating ng
Maynila para mag-aral ng libre.
Kung nalalaman lang nila. Aral nang aral. Aral sa umaga, aral
sa tanghali at aral pa ulit sa gabi.
Hindi ko naman maintindihan kung
para ano ang pinag-aaralan. Hindi na
naubusan ng ipari-research. Walang
alam itanong kung hindi “What is our lesson for today?” Parang mga Diyos
na sila lamang ang may monopolyo
ng tama. Kaya hindi pwedeng
tanungin at lalong hindi pwedeng
pagsabihan ng mali. Ay, mga teachers sa mundo, bakit
ba ginawa pa? Tulad ni Mrs. Moral
Character, bago mag-umpisa ang
leksyon, magsesermon muna na
virtue of honesty, kesyo masamang
mandaya, kasalanang mortal ang magturo sa kaeskwelang
nakalimutan ang sagot dahil sa
pagkataranta, krimen ang magkodigo
at kung anu-ano pa. lahat na yata
ng masama at bawal sa mundo ay
alam. Pero ang kanyang lihim ay buking na namin. Noon daw
nakaraang referendum ang teacher
naming morally upright ay biglang
nabulag at nabobo. Nang
magwatcher daw ito sa presinto,
tatlong letra lang ang kabisadong basahin. Katwiran nito’y “Anong sama
doon, kahit matalo, panalo par irn.
Bakit, me magagawa ka ba?” Kaya
naman ngayon hindi na siya si Mrs.
Moral Character sa amin, Mrs.
Eraser na lang. Tapos magtataka pa kung kangino
kami nagmana sa mundo. E sino naman kaya sa kanila ang
pwedeng gawing idolo? ‘Yung teacher
ko sa English, walang pakialam sa
mundo. Basta magamit lang niya
yung‘ nalalaman niya sa voice at
diction, maligaya na siya sa buhay. Basta kami ang papel lang namin,
tagapakinig sa kanyang mga asides.
Para tuloy kaming pang-therapy
niya lang. at ang kanyang
paboritong paksa, ‘yugn kanyang
ninuno na purong Kastila raw na nagpatayo ng simbahan sa kanilang
bayan. Antique syempre ‘yung
simbahan (tulad niya at ng kanyang
lolo). Ibig lang niyang palabasin ay
may dugong bughaw siya. Sarap
sanang bukuhin na ang Kastilang napunta rito noong araw ay mga
butangero at kriminal sa Espanya.
Kesa nga naman maging problema
sila ng gobyerno nila, di Pilipinas na
ang bahalang magtiis ng
konsumisyon. ‘Yung ganoong sistema ang namana niya sa kanyang lolo,
ang mangunsumi ng mapagtiis. ‘Pag
nabuko mong hindi nag-aral, lagot
ka. Pagsasabihan ka nito ng “What?”
Iyon lang hindi mo pa alam
hanggang ngayon? O.K. that’s your assignment for tomorrow.” Saka
niya sasabayan ng bura ng maling
nakasulat sa blackboard. Kunsumihin ka ba naman araw-
araw, pag naging gago ka nagtataka
pa. Hindi ka pa nga pwedeng
magwala, hindi ka parin pwedeng
maglibang. Kung sa pagtitiis ng
kunsumi ay sigarilyo at beer ang mapiling pagbuntunan ng sama ng
loob. Ayun at, “Sinasabi ko na nga
bang masama sa pag-aaral ang
bisyo,” ang agad ikakatwiran ng mga
ito. Kung bisyo naman ang pag-uusapan,
masama raw sa katawan ng tao
ang alkohol at nikotina. Para na rin
sinasabing, ‘pag teacher ka na ay
pwede. Dahil estudyante ka pa lang,
tiis. Itanong mo kay Mr. Discipline at alam na alam niya ang sagot.
Huwag mo nang itanong kung
nagdaan din siya sa pagkabata, kung
noong araw ay gago rin siya, dahil
sa isasagot nito’y, “Kaya nga ayaw
kong matutuhan nyo ang bisyo dahil pinagdaan ko na ‘yan. Sa amin sa barkada, dalawa lang
kaming mag-gu-goodbye my school
goodbye. Kick-out ako sa kagaguhan
daw. Si Minyong nama’y sa
kabobohan daw. Kung paano nila natiyak na dapat
nga kaming palayasin sa
pinakamamahal naming paaralan,
ganito raw ang naging takbo ng
usapan nina Mrs. Moral Character
(Eraser), Mrs. Gles-ing, Mr. Mathematician, Miss Spermatozoa
at Mr. Discipline. Hindi“ naman korum, say quorum,
kuwow, quorum. That’s correct,
that Jojo Boy has no sense of
dequorum. I feel though he is
brilliant, only my reservation is
that.” Only“ he is stubborn. Papasok ‘yan sa
klase ko nang nakainom, para pang
nang-iinis na lalapitan ka. Ipaaamoy
sa iyo ang hininga.” How“ true, how true, I swear to
God that’s true.” Hindi“ lang ‘yan, minsan gusto pa
mandin akong kulitin sa klase na
akala mo’y mahuhuli niya akong hindi
prepared sa lesson ko. Tambakan
ko nga ng research work, di atras
siya.” And“ he is always absent. Sometimes
I don’t want to give him an excuse
slip anymore.” So“ what is the verdict of the
group?” I“ could not pass him.” Ako“ rin.” God“ will punish his naughtiness.” I“ will report the matter to his
parents immediately.” Ang masama ay ang akusasyon nila
kay Minyong. Nababaliw daw.
Tuwang-tuwa silang pagtsismisan
ito. Kinuha-kuha nila sa bundok,
tapos pilit pinaniwalang
makakasabay ito sa standard ng exclusive school, pinaniwalang dito
nito matututuhan ang paghango sa
kahirapan ng kanilang tribo, saka
ngayon, basta na lang sisipain. Bobo,
ang sabi nila. Binigyan ng isang
pagkakataon. Pinagsalita nang pinagsalita, para raw mahasa nang
sa gayo’y mawala ang inferiority
complex nito. ‘Ayun, nang matutong
magsalita ang tao, na-schock silang
marinig ang katotohanan. Sabi ng pangkat ng mga Hari. I“ find him kina weird lately.” So“ what shall we do with him.” Definitely“ I could not pass him.” Oo“ nga naman. Gagawa tayo ng
masamang precedent. Mauuso ang
bobo sa eskwelahan. Remember,
Philippine School for Science and
Technology ito. Tapos magpapasa
tayo ng estudyanteng so-so? Hindi pwede.” Pero“ cultural minority ‘yan.” And“ so what?” Kailangan“ babaan natin ang standard
sa kanya.” Excuse“ me, mayroon lamang isang
standard and excellence at wala
nang exception pa.” What“ now?” Ano“ pa, e di ibagsak.” Saka sila nagkorus ng “Ibagsak.” Kung sabagay nang mabalita ang
kaso ni Minyong sa eskwelahan,
humigit-kumulang ay nakapagpasya
na sila sa magiging dulo ng istorya.
Ganito raw iyon. Have“ you considered his case
lately?” Anong“ gagawin natin sa kanya?
Meron ba tayong policy sa ganyang
kaso?” Mabuti“ siguro’y pauwiin na natin sa
kanilang tribo.” Dapat“ nga, Baka manakit pa yan ay
maraming madamay.” Oh“, how I abhor violence.” Baka“ kamo manunog pa yan. Uso pa
naman sa Maynila ang sunog ngayon.” E“ kung ipa-confine natin sa mental?” At“ sinong magus-shoulder ng bill?” Tapos ang kaso ni Minyong bago pa
man pasimulan ang deliberasyon. Hindi naman sila parating ganoon
kabilis magbaba ng hatol. Paminsan-
minsan nama’y “humane” sila ika nga.
Tulad halimbawa ng kaso ni Osias at
Armando, mga kaiskwela rin namin. Ipasa“ na natin si Osias.” Pero“ mababa yan sa Physics.” Sus“, naman ito, e talaga naman
mahirap ‘yang klase mo.” Thoughtful“ yang batang yan. Kahit
saan ka makita ay panay ang good
morning.” Talaga“. At prisintado agad yan pag
nakasalubong ka na maraming dala.” How“ about Armando? Another
cultural minority?” Excuse“ me. He is not a
thoroughbred cultural minority it is
only the mother. The father is an
Ilocano who migrated to Mountain
Province.” Ang“ sweet-sweet ng batang ‘yan.
Manang-mana sa Tatay nya.” Pogi“ talaga.” You“ bet. Doctor pala ang ama nyan.” Ipapasa“ ko yan. Kaya lang naman
yan‘ mababa, kasi matagal umabsent.
Nagkasakit kasi.” Ano“, pasado na tong dalawa?” Approve“.” Mahirap talaga sa mundo ang hindi
pogi at walang amang duktor. Come“ on in. Sit down.” Sabi ni Mrs.
Moral Character matapos akong
kumatok at papasukin sa kanyang
cubicle. Inabutan ko siyang
nagsasalansan ng mga libro. Called“ you for two reasons.
Regarding our lesson and your
attitude in class.” Idiniin niya yung
your attitude. Heto na naman kami
sa loob-loob ko. Kung bakit kasi
hindi na lang ako nagkasakit. Sana’y natuloy na ang lagnat ko para wala
nang sermunang naghihintay. Jojo“, ang tao’y hindi pulos tiyan
tulad ng gusto mong palabasin.” Sabi
niya habang nakataas ang isang
kilay. Huwag kang kikibo, paalala ko sa
aking sarili. Konting tiis. Mahirap
makipagtalo sa teacher. Ngiti ka
lang basta. Titigil din yan pag
nagsawa. Pero tipong wala siyang
balak mag-short cut ng sermon. Walang“ essence ang pinagsasabi mo
kanina. Iyon ay isang halimbawa ng
priori statement. Do you get me?”
Tumango naman ako. Good“. Now, alam mo sigurong wala
kang pinanghahawakang data, which
I happen to have. Panay speculation
lang ang pinagsasabi mo at walang
katuturan ito sa scientific world.
Our lesson is more complicated than you thought. What you mean
probably is the role of economic
determinism in contemporary
Philosophy, which is all together
wrong. Bait hindi mo gamitin ang
power of elite approach? Behavioralism ang trend ngayon sa
west. Bakit hindi ka makigaya?” Huwag mong pansinin, ngiti lang.
Paalala ko ulit sa sarili ko. Hayaan
mo lang siyang magsalita nang
magsalita. Pasasaan ba’t mauubusan
din yan ng sasabihin. Pasok sa
kanang tenga, labas sa kaliwa. Siya ang teacher kaya ang pakiramdam
niya’y siya lang ang pwedeng tama. Do“ you get me?” Tango pa rin ako. At ngayon, ang
part II ng kanyang sermon. To“ be honest about it, I don’t like
your attitude in class. Smart aleck!”
Yuko na lang ako. Saka ako
bumulong ng “I’m sorry, Ma’m.” Kahit hindi ko siya tingnan alam
kong tatangu-tango siya sa tuwa.
Lihim na naman pumapalakpak ang
kanyang tenga sa tuwa. Napaamo
niya ang suwail ng eskwelahan.
Sana’y kasing “honest” din niya ako, di sana’y nasabi ko rong “The feeling is
mutual. I also don’t like you, Ma’m.”
Sa halip ang nasabi ko na lang ay
Can“ I go now, Ma’m?” I“’m not yet through.” Ibig pa palang
sabihin ay may part III pa tong
usapang ito. They“ saw you in the chapel last
night.” Diyos me, pati pala personal life ko’y
pinakikialaman na rin nila ngayon sa
loob-loob ko. Nararamdaman ko ang
init ng kanyang titig sa aking
mukha. How“ young are you, Jojo? Speak up.” Wala akong dapat ipaliwanag sa
kanya. Hindi ako sasagot. Speak“ up I said.” 15“, Ma’m.” 15“, and already you are…” Saka niya
dinugtungan ng “I’ll let your mother
know about this,” bago ako tuluyang
lumabas ng kanyang cubicle. Gusto ko na talagang magwala.
Gusto ko siyang balikan. Gusto kong
isambulat sa mukha niya ang lahat
ng hinanakit ko sa mundo. Sanay
kasing tapang ako ng gusto kong
mangyari. Ano ba’ng masama sa ginawa ko sa chapel? Magkahawak
lang kami ng kamay ni Tess.
Masama ba yon? Siguro ang
masama’y kung bakit biglang
napasyal si Mrs. Gles-ing sa chapel
ng ganoong oras ng gabi. Kawawang Tess. Halos natitiyak ko nang
gagawin na naman itong halimbawa
ng mga Mrs. Moral Character ng
kung anong hindi dapat maging ang
isang babaeng estudyante. Si Mrs.
Gles-ing, tiyak na halos pumasok ang dila sa pagbabando ng kanyang
scoop. Ano pa ang magagawa ko, di suntok
na lang ulit sa hangin at
magbubulong ng “balang araw.” Kung
mababaliw ako tulad ni Minyong,
siguro’y hindi nila ikatutuwa, pero
natitiyak kong ipagtataka nila kung bakit. Nasa lobby ang mga kabarkada kong
alaskador. Jo“, balita nami’y bida ka na naman.” Hayaan mo na ang mga ya’t
magsasawa din yan.” Sagot ko
naman Kung“ nagmu-motel kayo, di wala
sana silang alam.” Tigil“,” sabi ko. Ano“ ba talaga ang ginawa nyo’t
nagpuputok ang butsi ni Mrs. Gles-
ing sa klase namin kanina?” Isa“ pa to, anong magagawa ko sa
chapel?” kahit ka may madyik, walag
himalang mangyayari doon,” sabi ko. Ligawan“ mo kaya si Mrs. Gles-ing.” Isa“ ka pa.” Buwisit na buhay ito,
alaskado na naman ako. Malay“ mo baka lalong malahing Mrs.
Robinson yon.” Saka sila nagtawanan. Tara“ na lang sa Cubao.” Yaya ko sa
kanila. Yung‘ isang round ng beer ay
nasundan ng isa pa nga at isa pa
ulit. Saka pinabuntutan ng one for
the road. Kung gaano kabilis ang
bote ng beer ay ganoon din kabilis
ang oras. Ano“ ba talaga ang ginawa mo sa
chapel?” Ano“ ba, di holding hands. Masama ba
yon‘? Para nagsusumpaan lang kami
sa harap ng altar na hindi
maghihiwalay kahit ako ma-kick-out.
kabastusan na ba yon? Bakit kasi
ang dudumi ng isip nila. Akala mo’y hindi nakipag-holding hands noong
mga bata.” Sila“ kaya, paano naging tao?” Natingnan“ lang, nabuntis na.” Saka sila nagtawanan. Buti pa sila,
kahit paano’y masaya. Ako yata,
kahit sa paglilibang ay mga
teachers ko pa rin ang nakikita.
Sobra na to. Bakit ba yaw nilang
makakita ng katotohanang iba kaysa kinagisnan nila? Bakit ba kasi gusto
nilang maging kamukha nilang lahat
ang tao sa mundo. Dahil ba sa
kanilang palagay ay sila ang
nakadiskubre ng mina ng talino at
tama, kaya wala nang natira para sa amin para diskubrihin? Pero hindi
ba yung tinatawag nilang expertise
yung dalawampung taon sa serbisyo,
ang ibig lang sabihin isang taong
karanasang pinatagal ng
dalawampung taon? Ngayon ko lang naiisip, kung buhay
siguro si Beethoven at kukuha ng
eksamen sa ekswela kahit bilang
estudyante o teacher ay tiyak na
hindi siya tatanggapin. Philippine
School for Science and Technology ito, ang eskwelahan ng mga
magiging scientists baling araw,
tapos pakikitunguhan at ituturing
na tao ang isang kung sinong bukod
sa tamad magbihis ay madalang
pang maligo? Si Einstein kaya? Henyo ‘yon, kaya
lang hindi nagsusuklay. Kick-out din
siya. Bawal sa school ang mahabang
buhok. Tiyak na pagsasabihan siya ni
Mr. Discipline ng “Comply with school
requirements. Maximum tolerable haircut please.” Ibig sabihin noon ay
ahitan ang batok. Si Hemingway kaya? Hindi rin pwede,
mabisyong tao yan. Bawal ang
lasenggo sa klase. E si Maxim Gorky
kaya, ang greatest Russian writer
para kay Chekhov at Tolstoy,
pwede kayang magturo ng comparative literature dito? Sa
palagay ko’y hindi rin. Bukod sa wala
siyang unit sa English ay wala rin
siyang diploma sa education. Si Kristo kaya kung mabuhay ulit at
magpunta sa Science? Maestro daw
siya kahit walang M.A. at Ph. D.
Papasukin kaya sa gate pa lang?
Hindi pwede, kung makasalubong siya
roon ni Mrs. Moral Character o ni Mrs. English, baka ma-shock pa ang
mga ito. Palagay ko, ganito ang
sasabihin nila: “Imagine, kay lakas ng
loob, ang bastos naman ng
appearance. Long hair, hindi nag-
aahit, tapos nakasandalyas pa. Maano kung anak siya ng Dioys,
wala naman siyang sense of
decorum.” Saka kung magsermon
dito si Christ, baka mabuko lang
siya ng “Who is your authority,
where is your data, behavioralism na ang trend ngayon sa west bakit
hindi ka makigaya…” Siguro kaya sa
sabsaban na lang ang napiling
birthplace niya, dahil kung sa
Science siya ipinanganak, mababago
ang kasaysayan ng Kristiyanismo sa mundo. Ay, sense of propriety at decorum
talagang nakakataranta. Clean cut
(pagsuklayin mo si Einstein) white
polo shirt at black pants
(pagdisentihin mo si Kristo). Naiisip
ko tuloy kung propriety din yung tawag sa mga teacher kung
nakadamit civilian sila kapag
Miyerkules. Yan bang parang aatend
sila ng party. Yun bang ang tipo ng
tela ay mapapanson agad at
mapagsasabihang “Ay, ang ganda, saan mo nabili? Siguro ang mahal
ano?” na sasagutin naman ng kausap
ng “Mura lang yan , siento isang
yarda. Christian Dior, original yan,
hindi gawang Rustan.” At para
talagang mapapansin, kailangang humahalimuyak din sila sa bango.
Yung parang walking pharmacist.
Saka kukulayan ang mukha na
parang painting (pa-surreal). At
saka tatambakan ng brilyante ang
tenga, leeg, dibdib, braso at mga daliri. Sa kanilang ganda ay ningning,
para kang nakakita ng Xmas tree
sa isang mahal na araw. Yun ang
proper sa kanila. Kung sabagay, hindi nila maiino yon.
Noong gabing mahuli kami ni Tess ni
Mrs. English, noon ko lang napansin
ang ayos ni Kristo. Ininsulto raw
ito ng mga Hudyo kaya ipinako nang
hubo sa krus. Pero naiinsulto sa hubo ang mga Mrs. Moral
Character, Mrs. English, Miss
Spermatozoa, Mr. Mathematician at
Mr. Discipline at kanilang mga
katribo. Kaya siguro nila tinakpan
ang kahubdan ni Kristo ng pelus na nangingintab sa dami ng borloloy. Si
Virgin Mary ay asawa daw ng isang
hamak na karpintero, pero sa
bigkas niya ngayon ay mistulang
peacock at Xmas tree na rin siya.
Pati nga kanyang luha ay ginawang perlas. Ang hindi nila naging kamukha ay
agad nilang napapansin. Ang taong
naniniwala sa sarili ang gusto nilang
lapastanganin. Sino nga ba naman si
Jojo sa kanila na “isang kung sino
lang.” Noon kayang mga estudyante pa sila, nakapasa kaya sila sa
Science? Scholar din kaya sila? Pero
bakit naging teacher lang sila sa
loob ng mahabang panahon? Iyon
lang kaya ang alam nila sa buhay,
ang magturo? Para silang hindi naging bata. Para bang nang
ipinanganak sila’y alam na nila ang
lahat ng bagay. Baka akala nila’y
biru-biro ang maging estudyante.
Yun kayang conduct nila sa klase
noong araw, panay uno? Kung talagang hindi sila nagkakamali,
dapat itong ireport agad sa Santo
Papa ng Roma. Nasa Pilipinas lang
pala ang mga living saints. Alin na lang kaya ang pwedeng
pakialaman? Saan kaya pwedeng
maging bida sa mundo? Buti sa
referendum kasali kami. Alin kaya
ang mahalaga, ang kapalaran ng
Pilipinas o ang moral character? Yung kapalaran ng Pilipinas, pwedeng
isugal, pero kung sino ang mas
seksi, si Alma Moreno o si Elizabeth
Oropesa ay hindi naming pwedeng
pagpasyahan, “for adults” lang kasi
yon. Ops, nakadi-jingle mag-isip. Yung
barkada, iba na ang usapan. Lagyan“ kaya natin ng thumbtacks
yung upuan ni Mrs. English?” Di“ aaray yun!” Hi“-hi-hi.” Buti pa sila at nakukuhang
ngumisngis. Ako kaya, kanino
pwedeng magreklamo? Sulatan ko
kaya si Valencia? Baka naman
sagutin ako nito ng “Uminom ka na
lang ng kape.” Si Marcos kaya? Santambak ang problema nito sa
buhay, biro mong problemahin nito
pati kapalaran ng Pilipinas, tapos
ipasasagot pa ito sa kanya sa
kasaysayan, paano ako nito
mapapansin? Magreport kaya ako kay Carter, issue rin ito ng human
rights, ang kapalaran ng mga
sinasadistang estudyante, pero
mahirap naming umingels. Saka
interesado lang ito sa giyera na
naluluma sila. Sa Diyos na lang kaya ako susulat?
Pero nasa lahat ng lugar at sulok
daw ito, kaya tiyak alam na niya
ang problema ko. Bakit nga pala sa
sermon on the Mount of Sinai wala
yung “Blessed are the poor students for they shal inherit…” Siguro dahil
wala na siyang langit o lupang
pwede pang ipamana sa iba. Ayaw kong maging Minyong.
Kailangang magsalita na ako baka
ako mabaliw. Ayaw kong maging
bato. Hindi baling drop-out, basta
tao lang ako. Maliit ang comfort
room kung doon ko isusulat ang akung sumbong. Marami na roong
nauna. “What you’re holding now is
the future of the fatherland.” “If
you can reach this high, you shall
be great.” “Ibagsak ang pasismo.”
LABAN“.” “Alpha Phi Omega.” “Wanted pen-pal.” Magrereklamo rin ako sa pader
kung kailangan, hanggang may
makabasa at makarinig ng aking
sumbong. Pero sa ngayon idi-jingle
ko na lang muna ang sama ko ng loob.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s