Pagluluksa Para Sa Ika-Apat Na Kasawian Sa Pag-Ibig

You are Number Four. I knew it. Sabi ko na nga ba, hindi ikaw ang Michael na kelangan ko. Should’ve Watch my words. Nagkatotoo tuloy. Hindi ikaw ang para sa akin. Sabi nga ng mga nagpapayo sa akin, subukan ko naman daw ang ibang pangalan. Sagot ko, may sumpa sa pangalang ‘yon. Hindi ko rin alam. i fell in love with the name. Sa pag-iisip ko sa halos isang buwang pinagdaanan natin, mas lalo ko lang sinasaktan ang sarili ko. Isang buwan lang? salamat nga’t umabot pa halos ng isang buwan kesa naman isang linggo lang. Nais kong pigilan sa pagtibok ang puso ko dahil kada mararamdaman ko ang pintig nito, tila ba pangalan mu ang naririnig ko… hindi yung Michael, kundi yung isa pa.

Hay. (Hingang malalim) Diversion at Release.

Para akong trapik sa EDSA, di maka-move on!

Internet Stalker, ako yun. Gustuhin ko mang maging masaya, tila ba di na maibabalik ang mga ngiti sa aking labi… dahil sa nabasa kong mensahe mu rin pala iyon sa kanya.

don’t frown, you’d never know who’s falling in love with your smile.

Ayan, lagi na lang akong umiiyak. Nagdadrama. Ano ba ang nararapat na gawin ng taong ika-APAT na beses pa-LANG nabibigo sa pag-ibig? Lumuha. Umiyak. Humagulgol. Muling Isipin at balikan ang mga alaalang kahit kailan ay di na mababalikan. Ayaw mo sa akin. Di ba? Not this time. Parang job interview lang, noh? Tatawanan na lang.

Sa totoo, Haste makes waste.

Tanong: Sinong Pipiliin mo?

A:ang taong ngayon lang dumating at nanggugulo sa buhay mo at wala kang future kasama?

O, B: ang taong halos buong buhay mong kasama at buhay mo na at engaged ka pa sa Fb?

Sagot:

Puro ka-dramahan. Ganyan naman talaga ang buhay. To spice up our lives. Back to basic na naman ako.

Less worries, less stress. more heartache, more unforgettable memories.

8 thoughts on “Pagluluksa Para Sa Ika-Apat Na Kasawian Sa Pag-Ibig

  1. Lira says:

    Natatawa ako. Kase nagkaron ka ng isang buwan, ako hindi umabot ng isang buwan. and it isnt the name (for me ha) twas the first letter of the first name hahaha.. its always been that letter ever since. kaya heto ako, after 27 years of existence sa mundong ibabaw, found myself sawi na naman for the nth time with the freakin letter “R” lol..

    napadaan langπŸ™‚

  2. gud luck na lng sa ating mga buhay pag-ibig. Malay po sya na ung png-10th RπŸ™‚

  3. buhaylibro says:

    Me kilala rin akong ghanito haha sya naman sa “MARK”. . My curse ba sa pangalan?? haha

  4. Nichelley says:

    I always fall for someone na sa letter J naman nagsisimula ang pangalan.

    Ewan ba, pakiramdam ko, nagsimula yun nung elementary ako. May tinuro kasi sa akin ung ewan kong kaklase, kapag daw nakagat ko ang dila ko ng di sinasadya o kaya naman eh nabilaukan ako sa kakakain ng fishballs, sabihin ko daw agad sa kasama ko “Number nga!!!” sasagot naman si uto-utong kasama ng number na mapipili nya. Tapos laging nagkakataon na malakas na “Tennnn!!!” ang laging sagot ni uto-utong kasama, hanggang high school ako ganun lagi.

    Ang ending, Si J ang nagpa-ibig, si J din ang nag-paluha. Hindi pa ako nakontento sa isang J, nagdagdag pa ako ng 2 J, at nagkaganun ulit. haha.. Babaeng walang kadala-dala.πŸ˜›

    Ang dami kong kwento. Nakibasa lang naman ako.πŸ˜‰

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s