022612 — Kumusta na ako? (yung totoo…)

Hilong-hilo at halos walang matandaan. Gumawa pa yata ako ng eksena sa Mars, oo.. emosyonal. dala na rin ng inuming dumaloy sa aking sistema. Iisa lang naman ang dahilan, sariwang-sariwa pa rin sa akin ang pighati sa aking buhay pag-ibig. Sampung araw, halos dalawang linggo… Akala ko okey na, di pa pala. Nag-usap na naman tayong muli. Naging malambing ka na naman sa akin. Anong sense nun kung alam kong wala ring patutunguhan ang sitwasyon nating ito… Gusto kita, gustong gusto kita. Napipilitan na lang akong di ka pansinin upang tulungan na rin ang sarili kong limutin ang nararamdaman ko sa’yo. Ngunit back to start na naman ang drama ko. Parang sa snakes and ladders lang, nakagat ng ahas kea bumagsak. Alam mu pa rin kung anong gusto ko. Alam mu pa rin na mabagal ako kumain at mas gusto ko ang sprite kesa coke… at paborito ko pa rin ang tsokolate.

Ilang tao na ang nag-counsel sa akin. Ako ang lumande. *smirk* Totoo. Pero lumande ka rin, dba? Ewan ko ba sa’yo. Patola ka rin,e… Ako tuloy ang nasasaktan. Hindi nga pde kasi me Beb ka na.. at kahit sabihin mong mahalaga ako sa’yo, MAS mahalaga siya kesa sa akin. Tila ba napaka-haba ng araw ngayon. Matapos magpaka-lango, nag-aliw naman sa Tom’s world. Mabuti’t di umulan. Kumain pa pala kami ng icecream para kahit paano’y maibsan ang pait na nararamdaman. Totoo, lumalabas ang tunay na nararamdaman kapag nakainom. Ngunit pano mu yun malalaman kung wala ka naman doon? Andaming luha na ang aking nailuha. Hindi pa ba sapat yun? Natapos ko na ang 1st level of Diversion. Nasa 2nd level na ko, ang Release.

Ilang level pa ba ang pagdadaanan ko bago matapos ang larong ito? Matatalo o mananalo ba ako? Halaga.. Ano ba talaga?

One thought on “022612 — Kumusta na ako? (yung totoo…)

  1. buhaylibro says:

    :c last week pa to ahh hehe

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s