33013 – Tagtuyot sa Tag-init

It’s summer! Ang inet inet na lagi. Mas mataas pa yata sa normal body temperature ng isang tao. I don’t know how to begin. focus. Ito ay tungkol sa family swimming namin last saturday na napaka- pinaka-worst na talaga siguro sa lahat.

Pinlano ng napakatagal. For a week yata. Kaya ayoko rin ng nagpaplano, remember? I underplan so much. Kung ano pa kasi yung pinaplano, yun yung di natutuloy. Disappointment lang pag nagkataon. Etong swimming namin, original date talaga is Saturday tas biglang moved ng Friday. Eh, Good Friday yun, malamang sa malamang e sarado ang Rainfo. Then they decided Maundy Thursday nang biglang sabi ng one of our sources na sarado pa rin so back to Saturday na talaga.

Saturday came. Aga-aga nagising. Wala ng ligo-ligo dahil magsswimming din naman. Dapat daw maaga para makapagpa-reserve agad. Mga 7am andun na yata kami [ako, ye, lisa, jd, marvin, nicole and nikki]. At napakahaba na ng pila. Paikot na sa entrance ng park. Habang tumatagal sa pagaantay, umiinit lalo ulo ng mga tao lalo na kapag nagkakasingitan. May one instance na dumating na sina Tita Michelle. Nagpaparinig yung matandang lola sa likod ‘bawal singit…’ paulit ulit. So sumigaw ako, ‘kasama po namin sila’ Then tumigil sandali pero after ilang minuto, parinig na naman. Nakakainit ng ulo.

Nung malapit na sa entrance ng waterpark, parang stampede. Bawal na daw pumasok. Puno na daw ang pool. Puro palusot. Nagsiuwian naman ang iba. Mga 12nn na ng makapasok kami. Nakakahilo. Gustuhin man naming magswimming, di pde gat walang laman ang tyan.

Nung dumating naman yung iba na may dalang food, feeling nila sila lang nahirapang makapasok. Dagdag init pa sana ng ulo pero i didn’t let it go into my nerves na. So kumain muna. Talong, tilapya, hotdog, adobo, singkamas… Sarap kumain pag gutom.

Swimming Time. Kelangan daw naka-spandex keme. Dun ako lumulublob sa wala masyadong lifeguard.e talagang nakikita kea buti napahiram ni coline ng short na panswimming. Arte. Nagenjoy naman sa paglangoy langoy, sisid ng piso at tayaan sa tubig. Mga 5pm pinaahon na. Para di daw sabay sabay sa shower. Ang lupet. Next year ule mapeperfect ko na ang pagsisid. Chos! Sakit sa ilong ng tubig. May mga nagaway at napagalitn pa kaya paguwe, walang imikan. Yan, nangitim ng konte.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s