Outbreak Experience 0317-0318

And so, it’s already 0320 and ngayon ko lang ishshare ang happenings sa Iba, Zambales. I’ll begin with the day before we left:

0316- sa amin natulog si Yeye, sya sinama ko dahil wala siyang masyadong commitment sa family. Weekend at walang pasok sa school.

0317- Nag-alarm ako ng 5am pero a couple of minutes before nung alarm e nagising na ako. Painit tubig panligo and prepare na. Ayun. Yung sinabing 6am alis, naging mga 7am. Lakad pa kami papuntang highway sa may Palmdale heights dahil dun nakaparada yung bus. Ang kapatid kong si Mor ang talagang nag-aya na sumama kami sa Iba. Matagal ko na rin naman gusto pumunta dun pero now lang nagka-time. Marami kaming kasabay sa bus. May mga taga-centennial, arienda atbp na di ko naman talaga alam. May mga mukhang gangsta, may mukhang war freaks, atbp na mahirap idescribe. Sa may bandang unahan kami umupo. Si Yeye ang nasa tabi ng bintana. Angtagal ng byahe. Almost 6hrs kasama na 2 stopovers. Maayos naman ang byahe, konti lang ang mga nasuka, isa na si Ye. Ako, siguro sanay na kasi bumyahe. When we arrived sa location, The Highlands, nakakatuwa dahil biruin mu un,we survived the trip. Medyo nagantay pa rin, mga 2hrs yta yun, sa may puno ng mangga. Parang nasa Hunger Games kami, nga lang e andami namin. Knkwento ko nga un kay Ye. May mga nagdatingan na ring ibang bus kaya andaming tao. Nung nasa mismong camp na talaga, feeling ko naman e kasali kami sa Pinoy Big Brother. Hiwalay ang dorm ng boys sa girls at nagsiShoweran agad yung iba. Me ibinigay na program sa amin pero baka naky Ye yung akin.

May 4 teams sa camp: Remedy, Revive, Restore at Relief. Sa Team Remedy kami napunta ni Ye along with nung mga nakasabay namin sa bus.

1st part ng program is yung orientation. Si Kuya Jerry yung host (idk kung ms matanda pa ko sa kanya, i have no idea.) Hindi siya boring maghost. Parang nasa variety show nga lang kami,e. Me mga special effects kapag may mga jokes na dinideliver. Hindi obvious na about kay God yung patutunguhan ng camp. And Siya naman talaga ang focus. Nag- dinner after nun then, nagpreach. May praise and worship numbers din pala at may drama drama rin. Katuwa nga pala yung video ng rules and regulations sa camp, Plants vs Zombies yung theme. Yung drama, sa song pa lang, nakaka-touch na. Andaming tao, over 500 daw. May mga taga-bulacan, manila, pasay yata, taytay, at kaming taga-pasig. Nung andun pa nga kami, i already have this idea in mind kung pano ko isusulat tong experiences namin. Pero mas maganda talaga pag personal na naeexperience.

10:30pm nag-lights out na pero tuloy pa rin sa kwentuhan dahil di naman pa masyadn naantok. Mga 11:30 pa yata kami nakatulog ni Ye (or more appropriately said, — 11:30 ko pa sya pinatulog). Sabi ko na nga ba andaldal ko,e. Which is one step to not being shy (which is one of my goals.) From anime to books to movies to songs ang range ng topic namin ni Ye. And the next morning…

0318- mga 4am pa lang yata e gising na ko. Sa 3rd deck nga pala kami natulog, at nung una e parang mahuhulog-hulog pa kami. Katakot. Maaga kaming naghilamos at naglakadlakad dahil yung leader ng team Remedy e maaga ding nagcall out. Katakot. Di na nya need ng megaphone. Habang naglalakadlakad, may humingi ng # namin ni Yeye. At tnxt nga ko. Practice kasi ng cheering pero nung moment na ng presentation, di naman nagawa dahil sa seats lang kami. Puro claps and shouts lang at may kaunting rap. Almusal pala muna nun tas after nung cheer e nag2nd preaching, ang message is about kung gano kalaki si God at kung gano kaliit ang tao. At ang tumimo sa isipan ko ay ang comparison ng sizes ng planets at stars. Amazing!

And nagGames na bandang 10am yata. Syempre game na game ako. Lakas ng loob. Di umaayaw. Gusto ko sana itry lahat pero hanggang dalawa lang ako. Una naming station e dun sa may tulay tulay, nahulog ako. Wahaha. Di ko naramdaman yung moment na nahulog ako. Yun bang pagmulat, naka-inom na ko ng isang galong capuccino. Successful na nakatawid si Yeye dun at yun na yung huli nyang sinalihan dahil ayaw daw nyang mabasa.. E yun nga yung goal ng game,e (in a parallel universe). Tapos next stop, yung sa may mataas namang slide. Dun ako medyo kinabahan. Me mga obstacles pa kasi bago dun, at nung nasa balance beam na ko e medyo di na ko makapag-balance. Nanginginig na ko. After 5tries yata e saka ko nakatawid sa beam at nagcontinue sa slide. Diretsong diretso ang slide, di katulad sa rainfo na pipilitin pang dumulas. Sa slide na yun, gravity na ang bahala at friction na damit sa tubig. Wala akong kasabay dahil yung dapat na partner ko e di tumuloy (duwag.. sabay irap :3) at yun na talaga huli kong game. Parang nung sa una din pero eto, parang mas buwis buhay. Mararamdaman mo ang pagdulas ng mabilis, yung adrenalin rush. At paglubog sa tubig, isa na namang flavor ng kape ang nainom ko… Di naman. Pero dun ako nabigyan ng remembrance. Gasgas sa magkabilang siko dahil tnry kong pigilan ang gravity. Well, great experience all in all. Yung 3rd game kasi namin involved frogs e yun lang yata phobia ko, pati spiders (yun lang dba?) edi ayawan na. Yung sa 4th game puro bata na lang at yung leader namin, la na ko idea kung anu ginawa nila dun basta puro putik na sila.

Naligo. Naglunch. At nagkamustahan na naman sa auditorium. Meron nga palang mailbox dun. Dun ihuhulog ang lovenotes kung me nagustuhan ka sa camp. Dapat me pickup line na kasama. Sumulat kami ni Ye pero di naman nabasa.

Pickup line ni Ye:
“halika, sumama ka na sa’kin…
don’t leave your valuables unattended daw,e”

Pickup line ko:
“Can i take your picture?
para malaman ni Santa ang wish ko this Christmas”

Kinakabahan kami ng sobra nun pero waley mang nabasa. Mga 1pm inannounce na ang result ng game. Ewan ko basta mukha namang reliable ang naging scoring nila, nga lang, false alarm nun pinakita na nanalo ang Remedy. Waha. Ang kulet..

Nung pauwi na, akala namin naiwan na kami ni Yeye. Nagaantay pa lang din pala sila. At me naging issue pa na nawalan ng phone. No complete idea din. Basta gusto ko na umuwi nun kasi ang ineet sa kinatatayuan namin.

Sa bus, bandang gitna kami. Parang kami nga yun hati between the cheerdancers and the fliptoppers. At naguUnite lang sila kapag me Harlem Shake. Katuwa. Di ko na ididetalyo masyado, basta merong nag fliptoppan, pickupan, kantahan at sayawan. Me naghingi rin ng # namin ni Ye pero ayoko masyado mag-dwell dun dahil.. masasaktan lang ako… ngaun pa nga lang,e. hmmp! Kasi nga…

Mga 10pm na kami nakauwi. Akala ko bibigay ako sa byahe, buti na lang hindi. Waha. Eeww..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s